Seventh-Day Adventist Church

South-Central Luzon Conference

Menu

News and Articles

HomeNews and ArticlesSalita ng Dios.. Pag-asa Para sa Pamilya, Kalakasan ng Bansa

Salita ng Dios.. Pag-asa Para sa Pamilya, Kalakasan ng Bansa

Posted May 26,2016 • By Communication: Ahny Ricaro

Ang isang pamayanang nakaugat sa isang matibay na saligan ay isang matatag na pamayanan. Ang isang pananampalataya na ang saligan ay ang Salita ng Dios ay magiging isang matibay na muog at pundasyon ng kaligtasan ng bawat pamilyang Kristiyano. Salita ng Dios.. Pagasa para sa Pamilya, Kalakasan ng bansa. Ito ang tema ng ginanap ang National Bible Celebration sa bayan ng Luisiana noong Enero 31, 2016 Ito ay nilahukan ng labing isang sekta ng pananampalataya kasama na ang Seventh-day Adventist Church. Ang celebration ay pinasimulan sa pamamagitan ng parada ng mga kapatiran ng bawat sektang dumalo sa nasabing celebration. Kasama sa naturang parada ang lahat ng mga opisyales ng bayan at mga leader ng simbahan. Sinundan ang parada ng isang palatuntunan sa plaza ng Luisiana. Itinamapok ang mensaheng dala ng Punong Bayan na si Nestor Rondilla. Kanyang binigyang diin sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pagsunod sa Banal na Kasulatan na ito ang dapat maging pundasyon ng isang bayang maypagkatakot sa Dios. Tanging Biblia din ang dapat na maging saligan ng bawat namumuno sa pamayanan, bayan at bansa. Kanya ding itinaas ang authoridad ng Biblia bilang isang makapangyarihang sulat na nakapagpapabagong buhay ng bawat pamilyang handang sumunod sa Dios. Kanya ding ibinahagi ang karanasan ng kanyang pamilya kung paanong sila ay binago ng salita ng Dios, ayon sa kanya, simula ng sila ay magaral ng Biblia ay maslalong tumibay ang samahan ng kanilang sambahayan at naging matatag ang pagtitinginan ng kanilang pamilya. Isang malakas na Amen! ang tumapos sa pananalita ng bunong bayan, Nestor Rondilla ng kanyang bigkasin ang tema ng Bible Celebration: Salita ng Dios.. Pagasa para sa Pamilya, Kalakasan ng bansa! Sumunod ang paligsahan sa padamihan ng talatang saulo, at ito ay nilahukan ng mga bata at kabataang galing sa ibat ibang sekta ng pananampalataya. Isang kapurihan sa Dios at kasiyahan sa mga Adventista na itanghal na nagwagi sa nasabing paligsahan sa katauhan ni Rowelyn Sanchez, isang kabataang Adventista na nagaaral sa ating paaralan, ang Luisiana Adventist Elementary school. Naghandog din ng mga makalangit na awitin ang mga mangaawit at musikero ng Luisiana Adventist Church na ikinatuwa ng mga nagsisipanuod dahil sa natatanging ganda at kakaibahan ng presentasyon. Tunay na napaka yaman sa talento ang bayan ng Dios! Ang Bible celebration na ito ay naging isang napakabisang paraan upang ipakilala ang kapangyarihan ng Dios sa mga tao sapamamagitan ng kanyang Salita. Ang pagsangkot ng Adventista sa Celebration na ito ay naging isang mabisang susi at nagiwan ng magandang marka sa mga manunuod at sa mga opesyales ng bayan na siyang naging daan ng pagbubukas ng kanilang pintuan upang papasukin ang mensahing Adventista. Sa kasalukuyan ang mga manggagawang Adventista, kasama na ang mga matatanda sa iglesia ay kinikilala at nabigyan ng pagkakataon na makapagbigay ng mensahe sa mga opesyales ng bayan ng Luisiana bilang bahagi ng kanilang programang Moral Recovery. Nawa ay patuloy na lumawak pa ang ating gawain sa lugar na ito at lubusang maabot ng pabalita ang mga opesyales ng pamahalaan. Sa Dios ang kapurihan!

Recent Entries

Subjects of Prayer for the Month of January

• By Communication

A list of subjects to be included in our daily communication with God... Read more

FM and MM Leaders Attend Orientation and Direction Setting

• By Elizabeth Uy-Fofue Family Ministries

The Orientation and Direction Setting for Family Ministries and Music Ministries leaders on mainland were held at Jose and Eliseo Bautista Hall... Read more

The 1st Conference-wide Adventist Senior Citizens Ministries Convention: A Success!

• By Elizabeth Uy-Fofue Family Ministries

The 1st Conference-wide Adventist Senior Citizens Ministries Convention... Read more

The Hour of Worship Reponses

• By Music

The uniform hymns to be used in SCLC churches during Church at Worship in 2016.... Read more

Marinduque for Jesus 2016

May 26,2016 • By Communication

Seventy souls were baptized last April 23, 2016 at Marinduque as the result of the reaping campaign dubbed s Marinduque for Jesus 2016... Read more

FUN RUN: RUN FOR A GREAT CAUSE AND COST

May 26,2016 • By Communication: Renato and Norlita Liberato

Evangelism can be done in many ways, and this work of us is just an example of it. We did not baptized anyone but there is a great cost in the heart of our brethren. It is something that no one can explain or imagine how joyous we are because there is an unmeasurable happiness in serving and joining God’s divine ministry. The Holy Spirit of Our Heavenly Father may continually work in the hearts of our parishioners that they may always support and join in every program or activity of our conference, district, and churches... Read more

Laguna Youth Leaders Retreat

May 26,2016 • By zaldy/Youth Director

On March 12 - 13, 2016 the Laguna Youth Leaders meet at "Gapit Farm Resort" for their spiritual retreat with the theme "Recharge."... Read more

Integrated Institute of Church Ministries (IICM)

May 26,2016 • By Pastor Danilo Faderon Fiecas - SS/PM/ACS Director

Integrated Institute of Church Ministries Launched.... Read more

SHARE HIM 2016 Reaps 115 Souls

May 26,2016 • By Communication

A result of a 13-day collaboration with our brethren and a group of students and faculty members from Union Spring Academy in New York City... Read more

Metro Batangas Youth Banquet

May 26,2016 • By zaldy/Youth Director

Metro Batangas District Young People have their "Banquet" with the theme "Matched & Mated"... Read more

Christian Home and Marriage Week Celebration

May 26,2016 • By Family Ministries

Christian Home and Marriage Week Celebration Sermons and Seminars... Read more

2nd Quinquennial Session Reflection

May 26,2016 • By Reflection

Kawasakan, kawalan, at kamatayan ang naging bunga ng malakas na bagyo. Hindi masukat ang panlulumo at paghihinagpis na nasa damdamin ng mga nasalanta. Naapektuhan ang kabuhayan at maging mga mithiin sa buhay. Ang ganitong mga pangyayari ay nagdadala ng kawalan ng pag-asa.... Read more

Mga Bagong Halal na Opisyales at Director ng SCLC

May 26,2016 • By Geofrey

Set of new officers and directors of SCLC... Read more

Opinyon, Pananaw at Pala-palagay

May 26,2016 • By Marjorie F. Saligao

Ang Second Quinquennial Session ng South-Central Luzon Conference ay pinasimulan noong Disyembre 21, 2015 sa Lipa Adventist Academy, Bugtong Lipa City. Dinaluhan ito ng mga delegado buhat sa limang probinsya ng Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Batangas, Laguna at Quezon. Kasama ng mga manggagawang pastor, kolpurtor at guro umabot ang bilang ng mga dumalo sa 315.... Read more

NPUC WM Director, Nagsalita Tungkol sa Paghahanda sa Pagbabalik ng Panginoon

May 26,2016 • By Marjorie F. Saligao

Pinasimulan ang mga gawain sa ikalawang araw ng session sa pamamagitan ng sama-samang pagninilaynilay sa salita ng Panginoon.... Read more

3 Ministro, Ibinukod sa Isang Tanging Ordinasyon

May 26,2016 • By Irelyn C. Gabin

Masiglang tinanggap ng mga manggagawang pastor ang tatlong bagong inordinahang ministro noong Disyembre 22 , 2015 na ginanap sa panahon ng SCLC Constituency meeting sa Lipa Adventist Academy. Bakas ang kasiyahan nang magkamayan at magyakapan ang mga lingkod ng Dios pagkatapos ng solemneng seremonya. Ang mga asawa ng pastor (shepherdesses) ay nagsipaglapitan din upang tanggapin ang mga kabiyak ng mga bagong inordinahan.... Read more

2nd Quinquennial Session ng SCLC, Binuksan na

May 26,2016 • By Michael T. Dalida

2nd Quinquennial Session ng SCLC, Binuksan na ni Michael T. Dalida Sa gabing pinunan ng awitan at mga panalangin, matagumpay na binuksan ang 2nd Quinquennial Session ng South-Central Luzon Conference (SCLC). Ganap na 6:30 ng gabi ng Disyembre 21, 2015, ang sesyon ay naidaos sa wakas sa SCLC Convention Center, Lipa Adventist Academy, Bugtong Lipa City.... Read more

Disenyong Buhat sa Pagkamalikhain

May 26,2016 • By Ester F. Fadriquela

Ang Dios ay Dios ng kagandahan at kaayusan. Nang lalangin Niya itong ating sanlibutan ay nahayag din ang kaayusan sa lahat ng nalikha, kaya’t sa Genesis 1:31 ay sinabi Niya, “Narito ang lahat ay napakabuti”. Tunay na ang ating Panginoon ay nalulugod sa magagandang bagay.... Read more





Gallery

Send Us A Message



Your name:

Your email:

Your message: